Maghintay
“Hinihintay na makahuli ng isda, o hinihintay ang pagdating ng hangin para makapagpalipad ng saranggola. O hinihintay na dumating ang Biyernes ng gabi…Ang lahat ay naghihintay.” Iyan ang mga isinulat ni Dr. Seuss, isang kilalang manunulat ng mga aklat pambata.
Punong-puno ng paghihintay ang buhay natin. Pero hindi nagmamadali ang Dios. Ayon sa isang kasabihan, “Ang Dios ay may sariling panahon…
Pananalangin para sa iba
“Nalaman ko kung ano ang dakilang magagawa ng panalangin nang magkaroon ng sakit ang kapatid ko at nagdasal kayong lahat para sa kanya. Isang malaking kaaliwan ang inyong mga panalangin!” Naluluha si Laura habang nagpapasalamat dahil ipinanalangin namin ang kapatid niyang may kanser. Sinabi pa ni Laura, “Ang mga panalangin ninyo ang nagbigay kalakasan sa kapatid ko at sa aming pamilya…
Mas Mabuting Paraan
Pag-uwi ni Archie mula sa isang bakasyon, nagulat siya nang makita niya na may nakatayo nang bakod sa kanyang lupain. Sinubukang kausapin ni Archie ang kanyang kapitbahay para tanggalin ang bakod pero hindi ito pumayag. Puwedeng humingi ng tulong si Archie sa mga awtoridad para tanggalin ang naka tayong bakod sa kanyang lupain pero hindi niya ito ginawa. Hinayaan niyang nakatayo…
Pakpak ng Agila
Ayon kay Propeta Isaias ang paghihintay sa Panginoon ay ang umasa ng buong pagtitiwala na gagawin ng Dios ang Kanyang mga ipinangako. Naghihintay kasi tayo sa pagliligtas sa ating mahirap na kalagayan.
Pero alam naman natin na tiyak na mangyayari ito sa hinaharap. Sinisigurado rin naman ito sa atin ni Jesus. Sinabi Niya, “Mapalad ang mga naghihinagpis, dahil aaliwin sila ng…
Makinig sa Kanya
Mahina ang aking pandinig. Kaya naman, nagsusuot ako ng isang gamit na pangtulong sa aking tenga para makarinig ako nang maayos.
Malaking tulong iyon kung iilang tao ang nasa paligid ko. Pero, kapag maraming tao ang nagsasalita, hindi ko na marinig ang taong kausap ko.
Sa atin namang pamumuhay, napa- kaingay o napakarami nating ginagawa kaya hindi natin marinig ang…
Tulad ng Aking Tatay
Ang sapatos ng aking tatay ay laging nasa loob ng kuwarto kung saan ako nag-aaral. Araw-araw nitong naipapaalala sa akin kung anong klaseng tao siya.
Nag-aalaga ang tatay ko ng mga pangkarerang kabayo. Masaya akong pinanonood siya at namamangha habang nakasakay siya sa kabayo.
Kaya naman, bilang isang kabataan noon, gusto kong maging tulad ng aking tatay. Nasa 80 taong gulang…
Kahinahunan
Nagiging mainitin ang ulo natin kapag namomroblema o may hindi magandang nangyayari sa ating buhay. Pero hindi natin ito dapat ugaliin. Maaari kasing lumayo ang loob sa atin ng mga mahal natin sa buhay at makapagpalungkot sa iba. Hindi natin magagawa ang tungkulin natin sa ating kapwa hangga’t hindi natin natututunang makitungo nang maayos.
Makikita sa Bagong Tipan ang salitang…
Kapayapaan
Sa bakuran namin ay may isang napakatandang puno. Sa tingin nami’y malapit na itong mamatay kaya tumawag kami ng dalubhasa sa mga puno. Mahalaga kasi sa amin ang punong iyon. Sabi ng dalubhasa, parang nababalisa raw ang puno at kailangang may gawin kami agad para bumuti ang kalagayan nito. Dumagdag pa tuloy ito sa aming mga alalahanin.
May mga panahon…
Ibinigay ng Dios
Isang uri ng malaking isda ang big browns. Alam ng mga mahuhusay na mangingisda kapag mangingitlog na ang mga ito. Sa panahong iyon, sinisikap ng mga mangingisda na hindi maistorbo ang mga isda. Iniiwasan nilang lumakad malapit sa pangingitlugan. Hindi rin sila namimingwit ng mga isdang ito kahit alam nilang madali nila itong mahuhuli. Nagpapahinga lang kasi sa panahong iyon ang…
Mukha ng Dios
Ikinuwento ng manunulat at pastor na si Erwin Lutzer ang tungkol sa pag-uusap nina Art Linkletter at isang bata na iginuguhit ang mukha ng Dios. Sinabi ni Linkletter sa bata, “Hindi mo maiguguhit ang mukha ng Dios dahil wala pang nakakakita sa Kanya.” Sumagot naman ang bata, “Malalaman po nila ang hitsura ng Dios pagkatapos ko itong iguhit.”
Maaaring palaisipan sa…